Masyado mong dinibdib
Ang pagkakawalay sa dagat
Lumobo ang buo mong katawan.
Ayan tuloy, hindi ka maibenta.
Hindi makain: may lason
ka raw kasing naghahanap ng karamay.
Naaapakan, gumugulong-gulong
ka ngayon sa dalampasigan
Naliligo sa bagang buhangin.
(Khavn dela Cruz, from his book “Lines on the SOle”)
—o0o—
...there's nothing I wouldn't do.
No comments:
Post a Comment