6.01.2011

abot tanaw (alaala ni gael)

kaninang hapon, nakita ko ang anino mo.
tinawag ka ngunit hindi ka lumingon.
ngayon ay alam ko na ang halaga ko sa iyo.


ang layo layo pala ng hahabulin ko.
ang hirap hirap pala ng inaabot ko.
nakakapagod palang habulin ang tumatakbo
papalayo sa iyo
at papalapit sa kanya.


ang hirap palang palingunin ang taong 
may nililingon nang iba.

No comments:

Post a Comment