1.03.2012

your lovelife according to Quiapo.

“Ang mundo ay isang malaking Quiapo.  Maraming snatcher.  Maaagawan ka.  Punong puno rin dito ng iba’t-ibang klase ng paninda.  Kaya ibenta mo ang sarili mo ng tama.  Maraming mang-aalok at magsasabing magagamot ka nila sa ano mang sakit na pinagdadaanan mo – ingat ingat lang at huwag magpapabuyo.  Napakarami ring manghuhula sa kapalaran mo – huwag mong pakikinggan ang idinidikta nila sa iyo.. sundin mo ang nasa puso mo.  Sa Quiapo, marami ka ring makikitang DVD – dami mo talagang mapagpipilian! Merong hard to find, series, you name it – ayun lang, lahat sila peke..  Gusto mo ba ‘yon?


Napakalaki talaga ng Quiapo.  Pero para hindi ka na masaktan, maagawan, masnatch-an, mapeke, maloko, madiktahan at kung ano ano pa man – magsimba ka na lang.  Ipagpasa-Diyos mo na lang ang lahat ng ‘yan.”

No comments:

Post a Comment