4.30.2011

lutang (post from my friendster account, written a year ago)

mahirap ding magtagal sa estado ng pagkalutang.  tinatabunan mo ang sarili mong struggle sa pagtulong sa struggle ng iba.  habang yung problema mo naman, hindi nawawala.  at least hindi mo naiisip.  wala ka rin namang masabihan, kasi pakiramdam mo yung problema mo walang kwenta kaya hindi rin pakikinggan.  pitong taon ko yan pinagdaanan.  ng walang nakaalam. ayoko rin naman ng may naaabala sa akin.  so, nag-manifest ang tinatago ko physically - chest pains.   dati, may mga umaga na hindi ako makabangon kasi parang dinadaganan ng dalawang kamay yun dibdib ko.  hindi ako makabangon, naiiyak na lang ako.  OA na kung OA, pero totoo yon.  wala kasing channeling pain sa buhay ko noon.  tipong “the one you never had was the one you loved the most”.  feeling ko pa dati ako lang yun taong pinaka magmamahal sa kanya.
-
minsan din naman masarap maglutang.  pero hindi sya dapat pinatatagal.  dun kasi nagsisimula ang pagwawasak.
-
ang alam ko yun pitong taon na yon may mga nagawa rin naman akong makabuluhan, ayun lang hindi ko sila inintindi.  puro pag-iinda lang ng sakit yun naaalala ko.  lahat yon maliwanag pa rin sa akin.
-
sinasabi ko na ang lahat ng ito hindi para maging emo - gusto ko lang makatulong.  hindi sinasarili ang problema.  shared pain is lessened pain.  please lang, huwag nyo na akong tularan.

No comments:

Post a Comment