10.20.2010

wow happy mood!

(ito na ang happy mode ko. yeba!!)


—o0o—


Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy.
At narito ka sa harap ko ngayon.
Hindi ko maipahiwatig kung gaano ako kasaya
na makita ka.
Ang lalaking perpekto.
Nagulat ako, hindi pa rin ako ang iyong kasukat.
Hindi ako karapat-dapat.
Ipaaanod na ngayon ang aking pangarap sa dagat.
Sana’y malaman mo, sa iyong paglutang,
Ikaw ang aking hirang.
Wala nang dahilan para maghanap.
Puno na ang puso ko.
Buo na ang aking kaluluwa nang makita ka
Hindi na ako aalis sa isla.




~taken from a Play Ang Pinakamakisig sa Mga Nalunod sa Buong Daigidig

No comments:

Post a Comment